Friday, February 12, 2010

- iNgGiTerAnG pALaKa - (hindi kasama si Maria pag-AURA!) 03.07.09

Hindi pa man nagaganap ay heto ako at naka-emote-mode na. Ang pag-ariba ng mga Vaklang palaka sa Matabungkay, Batangas ng tatlong araw at dalawang gabi, kumbaga nga sa plano ay draft pa lang at kung sa budgeting ay rough estimate pa lang, ngunit ginawan ko na agad ng blog. Paano kasi nginangatngat ng inggit ang aking kalooban at nangangati ang aking mga paa na makisalamuha sa datihang cast na nagliwaliw din sa Galera isang taon na ang nakalilipas.

flashback ng mga pasabog sa Galera:

- 3 days and 2 nights lang pero lahat "best in dala-dalahan", bitbit ang buong wardrobe na sandamakmak ang costume at ang lima ay accesorized pa ng pamosong pashmina, 2pc kung 2pc, araw-araw iba't-ibang dress code, pictorial rule no.1: bawal mag-ulit ng damit.

- Malilimutan ba ang bisyo? of course not! Maiwan nang lahat wag lang ang yosi at alak: super slim butt na Esse at kumukulong Absolut Kurant pag-inislam pero hindi naman nakakaliping,  dinagdagan pa ng Mindoro Sling na kumiliti lang sa aming mga bituka at lalamunan. May moment na ginusto ko na lang mamapak ng marks & spencers crackers na sea salt flavor, medyo masama ang loob ko sa hindi pagkalango kaya itinulog ko na lang.

Gudnayt sunset! na pala, walang dapat na masayang na sandali, kaya kahit umuulan sa isla ay larga ang mga vakla papunta sa dulong shop na naghe-henna. Palakihan ng pinta, kanya-kanyang pili ng artistang guguhit ng napiling design. May shining shimmering splendid na paru-paro, yung isa naman ay paru-parong black and white - pati tattoo tinakasan na rin ng ulirat. Ang isa naman ay diwatang nalulumbay - may pakpak nga hindi naman maikampay at ang award-winning ay ang chinese character na naka-guhit sa kaliwang sulok na kasing dangerous ng kanyang meaning.

Party sa terrace ng hotel room habang nagno-nomo sa katanghaliang-tapat, nagpapahanga ng moves sa katapat na terrace. Shoot! tinangay ng "fish" ang pa-in na bulate ng isang palaka hanggang sa tuluyan nang nagsanib ang aming mga pwersa. Pagtakas ng liwanag, party sa sand naman, tuloy ang pag-indayog kahit na sa buhanginan ang mga paa ay lumubog.

Pose dito, Selfie doon, walang habas sa pag-click ang dalawang camera na aming dala, battery lang naman ang puhunan kaya ok lang. Hindi pinaligtas ang apat na sulok ng Galera, sinuyod namin ang bawat parte at tinatakan ng mga alaala.

At ngayon nga ay sa Batangas naman ang booking ng mga vakla, sa isa sa mga spa-resort sa Matabungkay naman sila kokokak at ang masaklap ay kasama lang ako sa gayak - tamang emote na lang ako dito sa kabilang panig ng mundo

Matabungkay, there they come!

Hindi na "save the whales" ang tema, ano naman kaya ang isisigaw nila? "save the huwwwaaattt?"

Syempre may two-piece pa rin pero iisa lang ang sinisigurado ko, wala nang bumper, puro windshield na lang..ahahhaha..tseeehh!

Hindi na mawawala ang camera, kaakibat na yan ng pagrampage, dapat laging may captured moments.

Anong uri naman kaya ng kaluluwa ang matitisod ninyo this time mga vakla? Kaluluwa kayang may anino o kaluluwang may apelyido? Kahit ano na siguro ang mahalaga'y delisyoso! wahahahha

Ang bilis ng oras at constant talaga ang change. Kaya naman pala sinagad ko na ang pag-ariba noon dahil darating itong time na imaginary na lang ang aura ko. Hindi na makaka-eksena sa lime-light, magkakasya na lang sa pag-online dahil iba na ang pinili kong daan.

Ang sarap lang balikan ng mga moments - mga larawang hindi kukupas dahil digital na, hindi na kailan ng dark room. Hindi natin alam kung kailan na uli mabubuo ang pag-volt-in ng mga palakang puppet, ngunit kahit ngayong tayo'y magkakahiwalay na, ang mahalaga ay ang habambuhay na pag-flourish ng friendship at love natin para sa isa't-isa.

Kaya para sa mga kaibigan kong palaka, ARIBA FROGLETZZZZZ!

No comments:

Post a Comment