Saturday, February 13, 2010

- party girls, adieu to singlehood! - 07.31.09

Basically, it started when Greta asked Dawn to burn some unwanted bulges in the gym and there was Dawn who asked me to join them. That gala was one of their many as childhood bestfriends. At first I was reluctant to join kasi hindi ko pa naman ka-close si Greta. But what the heck? I was the one who needed to lose and burn fats more than them. And so I gave in even if it felt awkward at the beginning, but the awkwardness did not last long. I felt the warmth welcome from the both of them. And so we three got along as if  I was also a childhood friend in the past. We clicked right there and then which paved the way to a lasting friendship we are sharing right now.

Eventually, SLEEP-OVER happened, ang pajama party version namin na kanya-kanyang nguya ng chichirya (ooopppss, chucherya ba?) pagkakatapos tumungga ng serbesa. Ito yung moment na magsisiwalatan kami ng kanya-kanyang top secret, paigtingan ng ka-istupidahan, palakasan ng tawa hanggang sa mapapunta na ang usapan sa sekswalidad. Habang payapang naghihilik ang mundo, kaming tatlo naman ay kumakaliki sa kakatawa at parang sinisilaban sa init ng talakayan na nakisabay sa malakas na buhos ng ulan. Magdamagan sa pagalingan ng experience hanggang sa makatulugan na namin ang aming mga kagagahan.

Then there were those NIGHT-OUTs. Tambay lang sa bar, kakain ng pica-pica, hihit-hit ng subaru, mag-e-emote, magsusumbungan na parang mga "kiddie-meal", magbabalik-tanaw, mangangarap, tatawa, iiyak, magre-retouch tapos ay pack-up na. Mag-aabang na ng trike o kaya naman ay kokontak ng company car, mag-uuwian tapos ay bukas uli.


Our Aurahan won't be complete without the local band GIGs, all-out support ang eklavu para sa mga tropapips. Magkakanlong sa mesa kung saan malayang mapagmamasdan ang buong crowd, manlalait, magte-table-hop, makikisindi ng yosi at magtataas ng tagay. Maingay ang musikang napili ng mga kaibigan kaya hindi mag-uusap kundi magsisigawan. Makikinig kung tama ang grammar nung ingliserang emcee na hindi naman kagandahan. Makiki-kanta, ia-analyze ang lyrics at ire-relate sa bokalista. Pagkatapos ng gig, iko-congratulate lang ang tropa dahil yun lang naman talaga ang primary agenda ang bumili ng ticket at purihin ang grupo nila pagkatapos, nevertheless, it was fun.

"DENIM NIGHT". Ito naman ang level-up naming pagtambay one weekend. Hindi ordinaryong paglabas dahil nag-effort kami. Fully "made-up" at ang theme ng get-up ay maong kung maong. Kumain lang ng demure meal, hindi tutungga, si-sip lang ng extra-ordinary cocktai na ini-request pa naming ilagay sa pinaka-fab na goblet. Pictorial pagkatapos ng normal na sharing of thoughts. Tandem, stand-out, go-getter, glam - yun kami!

HOUSE PARTY. ito ay kapag may mga pasinaya ang pamilya, ki-halo sa mga bisita. Masarap naman kasi talaga minsan ang libre at enjoy din naman ang magic sing na hindi na kailangan pang hulugan ng limang-piso. Hindi man kami masyadong makapag-usap idinadaan na lang sa lyrics ng kanta ang mga patama - you can run but you can never ever hide - tatamaan ang dapat tamaan, for example: "dear lie, you suck..." na pasakalye ng kanta ni Greta.

Pumatol din kami sa CHILDREN's PARTY, masaya naman kasing makipagladian kay Grimace o kaya naman ay makipagkindatan kay Mr.Yum habang hinihila ang kanyang kurbata. Kahit mascot walang ligtas sa aming mga mahika. T-H din kami sa pagsuot ng party hats, pictorial habang suot ang koronang papel at inaagawan ng moment ang mga paslit.

SAND PARTY. Dito lumabas ang aming dancing prowess, with matching choreography (low...low...low) giling hanggang sumayad sa buhangin. Walang pakialaman kahit bumula ang kilikili, ang mahalaga ay na-express namin ang aming mga sarili. Walang pa-kyeme dahil kusa naming pinapalaya ang aming tunay na damdamin.

They dubbed as GIMIKERA, pero hindi lang naman kami basta-basta nagliliwaliw, dito sa ganitong paraan namin nabuo ang tunay na pagkakaibigan at naging parang tunay na magkakapatid na ang turingan namin sa isa't-isa. Ang umpukan namin ay hindi basta-basta nomo-session, dahil bawat taas ng tagay ay pag-ibig, bawat subo ng pulutan ay tiwala at sa aming bawat pag-awit, iba't-iba man ng tono ay maituturing pa ring musika na nag-uugnay sa bawat naming damdamin.

At dumating nga yung time na kailangan muna naming talikdan ang mga nakasanayang party, hiwa-hiwalay muna upang harapin ang kanya-kanyang responsibilidad para sa pamilya - may silbi din naman kami.

Ang isa ay naiwan sa pinas - "The Patriot" ang drama ng Dyosa na si Dawn, si Perpekta Greta naman ay naglayag patungo sa Dubai at ako naman ay napadpad sa Taiwan. "Oceans apart day after day" na ang eksena namin ngayon. Kapag ang isa ay nangangailangan ng kutos, tamang OL sa YM, facebook o kaya naman ay tamang text na lamang. Lugar lang talaga ang naiba pero ganun pa rin ang kanya-kanyang role: may isang echosera, yung isa ay naglilitanya at yung isa ay second-the-motion, paikot-ikot lang depende kung sino ang nakaupo sa hot seat.

Ngayon, mas umigting ang pamoso naming motto na "buntot mo, hila mo". Si Dawn hind masyadong nage-effort sa paghila, ikaw na may company car kesehodang mahal ang gasolina basta't mapangalagaan ang pagka-dyosa. Si Greta naman ay nanganganib lusubin ng mga kuwitib ang buntot, bakit hindi ay panay ang papak ng icing on a three-layer cake, mareregaluhan ng insulin para iwas diabetes, adik kasi sa tart! At ako? hmm, walang masyadong nabago, "i love bubbles" pa rin ang isinisigaw ko, nakalutang ang aking buntot sa ere pagkatapos humigop ng champagne na nag-uumapaw sa sparkle, meaning, still searching or should i say waiting for the one great love to come...back.

Dati muse lagi si Ninong sa timeless bonding namin o kaya naman pag hinihingi ng pagkakataon. Manghihiram na lang kami ng mga available persona na uupo sa mga bakanteng silya para lang maumpisahan ang pasinaya. Pero pag may papansit si madam o may pa-canton hindi na namin kailangan pang manawagan dahil kusang magsusulputan ang mga puppet. Mabilis kasi ang networking pag ang promotion ay "psst..may pa-bihon daw si madam, tara!" asahan mo, parang mga grimlins na nag-multiply dahil naambunan.

Kasabay ng pag-usad ng mga araw ay ang desisyon naming mag-settle down, hindi kami pa-bata.

Soon, hindi na si Ninong mag-iisa magkakaroon na sya ng ka-batak, si Kano at si Lukresya na parehong alipin ng musika sa magkaiba nga lamang na panahon. 'Yung akin kasi ay mahilig sa klasiko, yung kay Greta naman ay rakista. Pasasaan ba't makokompleto na rin ang umpukan namin, isang lamesang may anim na silya, hindi na kami manghihiram. Para ano pa? mayroon nang tatlong pares na bubuo ng sarili nilang crowd, puso-puso ang tema, tahimik at kuntento, buo at mataginting ang mga halakhak, pati mga mata ngingiti hindi lang mga labi.

Outside the deafening noise of a crowded party, far from its blinding light and suffocating smoke of cigarettes -- there you can find us, striding away from the crowd, not partying but merely celebrating the feeling of having one's true love - yung hindi guni-guni.

Soon...anim na kami!





- mALi si LoLo wEbSteR - 08.11.09

Lumaki akong fanatic ng mga romance novels tulad ng Harlequin, Mills & Boons o kawala-walaan ay Precious Heart Romances. Patuloy akong nagbabasa habang patuloy ring nilalait ang bawat istorya. Pare-pareho lang naman kasi sila, nasa chapter 1 ka pa lang alam mo na ang ending. Lagyan man ng twist mahuhulaan mo pa rin. Iba't-iba lang ang setting at pangalan ng mga bida pero lahat ng tema ay may kinalaman sa pagka-inlove ng manunulat sa salitang love na kahit pa nga yung pinaka-imposibleng love story ay nagagawan ng paraan.

Sabi ko, exaggeration lang ang mga nasusulat sa libro kapag idini-describe ng author ang pagkakatuklas ng mga bida na inlove sila sa isa't-isa, yun bang may kuryente daw na nanunulay sa mga ugat pag nagkadikit ang dalawang mag-true-love. May endless physical contact na naghahatid ng goosebumps, at mistulang may romantikong musika na silang dalawa lamang ang nakakarinig habang may nagbe-break dance na paru-paro sa kanilang mga sikmura kapag hinahalikan ang isa't-isa. Pagkatapos ay magtititigan sila at matatapalan ng kislap ang kanilang mga mata habang nag-i-inhale-exhale sanhi ng makapatid-hiningang kissing scene - "eksklomowsyon" (slow motion) sabihin naman ng mga paslit.

Noon iyon, ngayon kasi natatawa na lang ako kapag nagbabasa dahil hindi ko maiwasang maka-relate minsan. Sa kasalukuyan kasi ay nae-experience ko yung kuryente, yung goosebumps at pati na rin yung mga butterfly na nagpa-party. Kinabog ng bida sa puso ko ang bida sa mga nababasa kong libro. Si MAMABRUH kasi mas intense ang titig, tumatagos hanggang sa kaluluwa ko, with matching linya pa yun na "you are so beautiful baby, i love you so much" (100% sugar content - beware diabetics). He is naturally sweet and so naturally delectable. with him, a rush of hormones equals multiple rush of wonderful emotions, may pahabol pa yun na "mahal na mahal kita, ng maraming maraming mahal, mas marami pa sa buhangin", ano pa ba'ng mahihiling ko?

There was once in the nth time, he told me how much he loves me and then I asked him what is the meaning of LOVE, right away he answered, "love is being with you for the rest of my life and for the rest of yours". Then another follow-up question was how to spell love, right then he said in a subtle voice "Y-A-N-N-E". Kung ikaw, hindi ka ba kikiligin? and tell me, is there enough logic to explain kung bakit "puso-puso" ang nakikita kong lumulutang sa hangin?

Somehow, I want to contest with Mr. Webster about the meaning of love and its spelling, hahaha


***bago ko pa man tanungin si Mamabruh ay mayroon na akong nakahandang kasagutan sa isip ko at pag hindi kami nagtugma ay nakahanda na rin ang ire-recite kong litanya para sa kanya, it was just so amazing, he hit it off  bull's eye!

- mGa kALuLUwAnG nAka-ShaDes - 05.31.09

Bago kami mag-conference chat nina vkla, voltron at javs kaninang umaga ay magka-pm muna kami ni vkla. Sabi nya sobrang miss daw nya ako dahil nagsisimula na uli ang month-long celebration ng Mardigras. 

Ngayong sya na lang ang naiwan sa Pinas, hanggang reminiscing na lamang ang kaya naming gawin.

Tuwing fiesta kasi sa Lucena, kasabay ng pag-open ng mga tiangge at night market ay nag-o-automatic activation din ang aura-maria-power namin. Sobrang miss nya daw yung tug-team namin, at ako din naman, sino bang hindi makaka-miss sa walang kapagurang paglalakad sa kahabaan ng Quezon Avenue at ang pakikipagsiksikan sa iba't-ibang klase ng lamang-lupa na katulad namin ay ini-experience ng mga perya at ang panunuod at pakiki-jam sa iba't-ibang banda habang nagtotoma. 

At dahil siksikan nga, kung tutuusin hindi na marerecognize ang hitsura ng isa't-isa pero ang main goal namin ay um-aura, bakit ba? At pagkatapos naming mag-uli ay ra-rampage naman kami sa mga prestihiyosong bars. Kailangang lumabas ang aming pagka-fabulosa sapagkat grand entrance ang aming eksena diretso sa table na may "reserve" sign, san ka pa? Ayos na sa amin ang maka-tatlong rounds ng illusion shaker at pag kulay blue na ang aming mga dila ay indication na yun that its time to hop into another bar yung kulay red na alak naman ang aming titirahin. Iba't-ibang crowd sa iba't-ibang place, why not? marami naman kaming baon na maskara iba't-ibang design depende sa hinihingi ng pagkakataon. Sa mga ganitong aktibidades nagiging malikot ang aming mga mata at lalong tumatalas ang aming pakiramdam, dapat walang makahalata na isa-isa kaming nagta-transform at ang aming invisible antenna ay isa-isang lumilitaw at sumasagap ng signal. Hindi pwedeng walang mata-trap sa bitag - protocol naming mga vaklang froglets yun at may technique kami pero hindi ko isisirit kung ano.

Masyado nang napahaba ang ang pagbabalik-tanaw. Iisa lang naman ang pinupunto ni vkla - ang inggitin ako dahil hindi ko mae-experience this time ang ultimate playground at plaything namin. Sabi pa nya nagkalat na naman daw ang mga ligaw na kaluluwa na patuloy na naghahanap sa di-mahanap-hanap na liwanag. Ang sagot ko naman sa kanya, "eh vkla paano naman makakakita ng kaliwanagan ng mga kaluluwang bangag na yun eh lahat sila may suot na shades!" hahahha.

- "pAbiLi nGa pO nG gLow" - 05.11.09

Ano daw? 

Na-capture pala ng aking Casio Exilim optical 3x 8.1 megapixels na camera ang walang kabuhay-buhay kong mata noong nag-selfie ako. May nag-comment, hindi naman daw mukhang miserable, Mariang maganda pa rin naman daw ang aking aura pero may kulang, wala daw glow.

Hahaha, I laughed without humor, hindi nagsisinungaling ang digital camera. Kahit pa yata kulapulan ko ng sandamakmak na chic choc liquid concealer ang palibot ng aking mata ay mababanaag pa rin ang aking eyebags. Wa-epek din ang shu uemura make-up na ipinantapal ko sa aking mukha. Humarap ako sa salamin at mukhang tanga na kinausap ang sarili "bakit ba ako nagmamaskara eh wala namang masquerade party?" Ilang saglit pa at binura ko na ng garnier make-up remover ang walang kwentang pintura sa aking mukha.

Katulad din lang yan ng pagpe-pretend, kahit anung excuse ang gawin at sabihin mo, lilitaw at lilitaw din ang totoo. Hindi kailangang pagtakpan ang pait at sakit na nararamdaman, isang sigaw lang ng "darna!" kasabay ng malalim na buntong-hininga ang katapat nyan (how I wish I can convince myself, cliche as it is, easier said than done).

Masyadong maraming gumugulo sa isip ko ngayon. Mabigat ang pakiramdam ng sawi, hindi kinaya ng esspresso lalo lang lumala ang insomnia ko. Mayaman ako sa mga taga-payo, alam kong hindi ako talunan dahil hawak-hawak ko pa rin ang aking titulo at ang korona ay nakaputong pa rin sa ulo ko. Ang hassle nga lang dahil pakiramdam ko'y may threat sa aking pagiging "crowned princess".

'Wag daw akong magpadala sa paranoia, ako lang daw ang exagge na nagpapalaki ng issue. (emotera ako eh, at dramarama ang forte ko). Kumokak ang isang palaka at sinabihan akong tama lang daw ang mga nangyayari, maging miserable naman daw ako for once kasi lately ay lagi akong masaya at sa cloud9 ang pasyalan ko kaya ok lang daw na masaktan ako paminsan-minsan para balanced. 

Nakakapanginig ng kalamnan ang iritasyong bumabalot sa aking katawang lupa. Papel at bolpen na naman ang oras-oras kong kaulayaw (kulang pa ang inipon kong pambili ng laptop). Sana naman ay hanggang bukas na lamang ang eksena kong ito, nakakahapo kasi parang laging sasabog ang utak ko. Kaya bukas ay tatapusin ko na, tutal wala na rin namang mangyayari, alam kong pagibig pa rin ang mananaig.

Tinangka ko na ring bumili ng "glow" sa seven-eleven pero ang sagot ng chekwang hindi maintindihan ay "wo pu tzi tao" at "mei-you". Haayyy, maglalakad-lakad muna ako, baka sa banda doon, baka may matisod ako.