Wednesday, January 13, 2010

- dEsTiNy caLLed EaRL hEnDRix - 11.20.08

Sige lang, tawanan nyo ako. Aaminin ko naman na kinain kong lahat ang mga binitawan kong salita noon, I'm guilty as charged. Pero teka muna, Paano nga ba nagyari?

Matagal-tagal ko ring itinakwil ang salitang "tadhana" at lahat ng bagay na may kinalaman sa tinatawag ding "divine intervention" na kagagawan ng makapangyarihang kalikasan. Ilang beses ko bang itinuring na mortal na kalaban ang tadhan na 'yan? Ahhh, hindi ko na mabilang. 'yan din lagi ang aking sinisisi sa mga kabiguang aking kinaharap at tinapunan ng mga tanong na kahit yata si Nostradamus ay hindi kakayaning sumagot.

Ahh...ngayon ay iba na. nasaan na ba ako?

Bigla akong napatigil, iba na ang kalsadang nilalakaran ko ngayon. May kulay berde, dilaw at pulang ilaw na ang bawat kalyeng binabagtas ko. Dito ako dinala ng tadhana. Kinailangan ko pang tumawid sa himpapawid bago makuha ang piping sagot nya sa mga tanong ko.

Nasaan kaya ang para sa akin? Sino kaya ang darating? Mahahanap ko kaya o ako ang hahanapin?

Ano nga ba ang sagot?

Si MAMABRUH. mula nang matagpuang muli namin ang isa't-isa, hindi ko na alam ang salitang "lungkot" at hindi na ako marunong mabagot. Simula nang matagpuan ko uli sya, lagi na akong masaya at kuntento sa buhay ko. May KAPE pa rin, STARBUCKS pa nga, pero hindi na ka-emote-tan ang kaakibat nito kundi matatamis na ngiti na kasing-tamis ng caramel waffle na buong giting kong isinawsaw sa caramel frape (napalingon sa akin ang kano sa karatig na table habang dini-dip ko ung waffle sa kape, ahaha). Wala nang kulang, kasabay nya ay natagpuan kong muli ang ngiti, naging lubos na akong masaya at walang humpay na binabanggit ang salitang "mahal kita".

Si MAMABRUH. siya pala ang manok ni tadhana para sa akin, siya pala uli. Ibang klase din naman ang strategy ni destiny, kinailangan pa naming magkahiwalay ng apat na taon bago namin malaman na kami pala talaga ang para sa isa't-isa.

Si MAMABRUH. Isang-libo't-isang beses nyang inuulit sabihin sa akin na maganda ako. I believe I am, because he never fail to made me feel beautiful.

Kung may salitang mas hihigit pa kaysa sa "mahal kita", siguro yun naman ang magagasgas ng aming mga pagbigkas, ngunit wala. Kaya pagkatapos naming maipahayag at maipadama ang maalab na pagibig sa isa't-isa ay wala syang nasambit kundi "Hi", simpleng salita ngunit makahulugan at tumalab hanggang sa aking kaibuturan.

Maraming oras ang lumipas, mga araw na lumipad, saan na ba kami napadpad?

Ahhh, nandito na kami ngayon sa lugar kung saan napapaligiran kami ng mga salitang hindi namin maintindihan, ni hindi nga namin mabasa, ngunit alam ng aming mga puso kung saan kami pupunta. Hindi na mahalaga ang pera (mukha namang playmoney), kahit mahal ang lugar, hindi pa rin nito matutumbasan ang sandamakmak na kaligayahang dulot ng aming pagiging isa. 

Dito sa lugar na ito, Linggo ang araw namin, pag sinuswerte, minsan Sabado din. Kaya sa loob ng Lunes hanggang Byernes, ang gawain ko lang (bukod sa pagiging Caregiver ko) ay magmuni-muni ng aming mga eksena ng nagdaang linggo at magplano ng mga gagawin uli sa susunod na pagkikita.

Oopppsss, green light na, go na ako sa kabilang kalsada, natanawan ko na rin ang sundo ko - black luxury car na volvo, excited na ako dahil konting oras na lang ay magkikita na uli kami ni mamabruh, byernes na kasi.

Matagal rin akong naghintay at naghanap, minsan ay naligaw pa nga ako. Sa totoo lang ay isinuko ko na talaga ang tinatawag na tadhana na yan. Ngunit ngayon ay na-realize kong hindi naman pala ako nagsayang lang ng oras dahil hindi naman napunta sa wala ang aking paghihintay. Palagay ko nagtagumpay pa nga ako. At ganun din naman si Mamabruh, lubos ang pasasalamat nya na tinupad ko ang aking pangako na iingatan ko ang sarili ko para sa kanya. Apat na taon na naka-padlock ang puso ko, bumalik sya, bitbit ang susi upang muling buksan ito.

Si MAMABRUH. ngayon ay natutunan ko na muling maniwala sa salitang "tadhana" at sa kakaibang kapangyarihan nito.

Believe me, it could happen...for me, it did!