"Vkla, hindi ka pa ba sanay?" ang walang pakundangang tanong ng vkla mula sa Dubai. Ang sagot ko naman, "ewan ko nga ba kung bakit dispalinghado ang immune system ko when it comes to bearing pain, laging parang bago kahit to the 10th power na ang mga kabiguang naranasan ko". Nasasaktan ako at naiirita sa mga nakita kong lirato at ang magkadugsong na friendster shout out (hindi ako slow, gets na gets ko yun!). Hindi ito kababawan, sinasabi ng aking instinct (na hindi pa pumapalya kahit kailan) na there's something fishy! Wala akong gustong marinig na paliwanag mula sa mga may kinalaman sa larawang iyon. Back to being manhid na lang uli at buuin na lang ang composure, tablahan kung tablahan. Sabi naman nung isang palaka hindi naman daw ako makakatiis at hanggang salita lang naman ako at sigurado sya na sa oras na makaulayaw ko uli ang aking predator ay kusang aalpas ang mala-diwatang aura at sabay na sasabog ang manamisnamis na halimuyak at biglang huhulagpos ang linamnam ng alindog at hindi magtatagal ako ay mag-gi-give-in din. tsk, Ayaw kong isipin, ayaw kong magpadala, ayaw ko na munang maging tanga!
At para dun sa mga gustong manghiram ng boyfriend ko, FYI, hindi na ako magpapahiram ngayon, for rent na. Mahirap ang buhay ngayon talamak ang recession kaya mainam nang pagkakitaan ang mga ganyang kataksilan!
As of now i belong to the AMPALAYA REPUBLIC, but who cares? bitter na kung bitter, pretty naman!
Friday, February 12, 2010
- NI YAO DE Ai...para kay Tisay! - 05.09.09
"Getting a boylet?, it will come when it comes!" Ganyan ang linyahan, bittersweet, taas-no pati kilay hanggang anit, alab-alab ay buo at kuntento sa masigasig na pag-arangkada ng career. Sinong niloko ko, ang bungo sa banga? Asaness!
Anaknam paksyet! Hindi nakakatuwa ang maging pulutan ka sa inuman ng tropa ha. Ang kantsawan na "hoy, naiiwan ka na ng byahe patungo sa langit ng kaligayahan!". Ang hirit naman nung isang sis, "Sistah, dream mo bang maging virgin-bride, like duh?!" Mahirap talagang magkaroon ng buong-buo na hymen sa sirkulo ng mga batikang romansanista.
Hindi ako frigid, kung yan ang itatanong mo. Minsan umibig na din ako pero sadyang hindi kami itinadhana ng panahon. Ayun, ang aking first boyfriend, ngayon ay may first family na.
Hindi ako pangit, ako daw ang pinaka-maganda sa aming magkakapatid sabi ng tatay ko, obvious naman, unica hija ini!
Hindi rin ako manhid at hindi rin naman lesbian, na-epal din ang puso ko sa opposite sex. Kaya nga pagkatapos kong mabigo sa una ay sumubok uli ako. At take note, naging gaga na rin ako sa larangan na yan ng pagibig. Na-inlove ako sa lalaking hindi ko maintindihan kung umiibig din ba. Ako'y minsan na ring nagpadala sa talanding agos ng makamundong pagpapahayag ng nararamdaman a.k.a stupidity, nevertheless, wala ako kahit kapirasong pagsisisi.
Kung hindi ako frigid, hindi ako pangit at hindi ako manhid, ano ako? Sirit na!?
Alam kong pinagdududahan ako ng aking mga kapatid na putik. Sabi nila hindi pa raw ako nakaka-get-over sa pagibig ko kay "bro", na wala daw akong mukhang hinahanap kundi ang mga kamukha nya, na kaya ako nagkaka-crush sa mga artista at bokalist ng banda ay sa kadahilanang wala akong kakayahang talikuran ang "nakaraan namin ni bro", sya pa rin daw all this time, haay, si "bro" ayun, may dalawang anak na.
Hindi pa huli ang lahat, matagal pa ang last trip para sa akin, sino bang may sabing mashonda na ang bente-singko? Hindi forever ang pagiging cocoon, pasasaan ba't magiging butterfly rin. Hindi naman ako nawawalan ng pagasa, I'm taking my time medyo pihikan lang talaga ang aking taste buds when it comes to love.
Eto nga, si "brad"- balik-bayan, kababayan at tropa ng tropa ko, matangkad, may cute na smile, friendly, mahilig sa music, etchetera etchetera, over-all-impact - fafable (kung si lois ang magde-describe nito, yummyness!) Udyukan system ang drama sulsol ng mga haliparot na diwata, naisip ko rin, why not diba? Date kung date, sundo kung sundo at text kung text, walang pagmamadali. Pero bakit nawindang ako nung makita ko syang may kasamang chick? Affected ang lola mo, jelling ba ako?
Unti-unti na nyang nasasakop ang sistema ko, tinitibag nya ang pader na pinaghirapan kong itayo na magsisilbing proteksyon sa pagkalusaw ng aking puso, "si brad na kaya?" feeling ko rin attracted na ako sa kanya. Well,walang masama kung ibubukas ko ang aking puso sa pagkakataong ito, sayang ang ganda kung walang makikinabang!
***churi sis ha, napagtripan kita, at salamat na rin sa pagiging spy, may na-realize ako :D***

- iNsOmNia - 05.09.09
"Para kang tanga!" tamang lait ako sa sarili ko. Wala akong pwedeng itawag kundi katangahan sa patuloy kong pag-reminisce sa mga alaalang nilamon na ng kahapon.
Gusto ko nang matulog pero ang pasaway kong mga galamay ay sinapian na naman ng walang kapararakang pagpindot sa keypad ng xpressmusic 5310i at nagpatugtog ng mga awiting nakakapagpabalik sa nakaraan. Ewan ko ba, hindi ko maintindihan ang sarili ko, tanggap ko naman na may common sleep problem ako (kape pa!) pero sana naman kusang mag-freeze ang utak ko sa kaka-refresh ng nakaraan - mga lugar at pagkakataon na hindi na pwedeng balikan. "cannot be anymore!" walastik, pati naman grammar ko nag-e-error na din. Affected na rin sa lintek na pananariwa ng mga panis na alaala. Sige na nga, aaminin ko na nakaka-miss naman talaga yung dating eksena, actually abstract ang lahat - ang mga mukha, lugar, kulay at lasa ng mga pangyayari ay naglalabu-labo na sa utak ko, blurred na pati sa karamihan ng sabay-sabay na paglitaw nila sa aking balintataw.
Paksyet! Ano ba talaga ang gusto kong isipin, pati sarili ko pinagsisinungalingan ko pa. Ewan ko ba, "speakless" ang drama ko, ito siguro ang epekto ng 3 jumbojet na mug ng kape maghapon (por que may esspresso maker sa bahay, hanep!) Isa pa, nabuburyong na rin siguro si maria, ikaw na! pitong buwan nang hindi nakaka-aura, huhulagpos na ang kinikimkim na paglaya ngunit walang lugar na aangkop at higit sa lahat walang makakasanib-pwersa, sa madaling salita - loss! Move over froglet! aaahhhh, antok nasaan ka ba? Ngayon kita kailangan!
- iNgGiTerAnG pALaKa - (hindi kasama si Maria pag-AURA!) 03.07.09
Hindi pa man nagaganap ay heto ako at naka-emote-mode na. Ang pag-ariba ng mga Vaklang palaka sa Matabungkay, Batangas ng tatlong araw at dalawang gabi, kumbaga nga sa plano ay draft pa lang at kung sa budgeting ay rough estimate pa lang, ngunit ginawan ko na agad ng blog. Paano kasi nginangatngat ng inggit ang aking kalooban at nangangati ang aking mga paa na makisalamuha sa datihang cast na nagliwaliw din sa Galera isang taon na ang nakalilipas.
flashback ng mga pasabog sa Galera:
- 3 days and 2 nights lang pero lahat "best in dala-dalahan", bitbit ang buong wardrobe na sandamakmak ang costume at ang lima ay accesorized pa ng pamosong pashmina, 2pc kung 2pc, araw-araw iba't-ibang dress code, pictorial rule no.1: bawal mag-ulit ng damit.
- Malilimutan ba ang bisyo? of course not! Maiwan nang lahat wag lang ang yosi at alak: super slim butt na Esse at kumukulong Absolut Kurant pag-inislam pero hindi naman nakakaliping, dinagdagan pa ng Mindoro Sling na kumiliti lang sa aming mga bituka at lalamunan. May moment na ginusto ko na lang mamapak ng marks & spencers crackers na sea salt flavor, medyo masama ang loob ko sa hindi pagkalango kaya itinulog ko na lang.
Gudnayt sunset! na pala, walang dapat na masayang na sandali, kaya kahit umuulan sa isla ay larga ang mga vakla papunta sa dulong shop na naghe-henna. Palakihan ng pinta, kanya-kanyang pili ng artistang guguhit ng napiling design. May shining shimmering splendid na paru-paro, yung isa naman ay paru-parong black and white - pati tattoo tinakasan na rin ng ulirat. Ang isa naman ay diwatang nalulumbay - may pakpak nga hindi naman maikampay at ang award-winning ay ang chinese character na naka-guhit sa kaliwang sulok na kasing dangerous ng kanyang meaning.
Party sa terrace ng hotel room habang nagno-nomo sa katanghaliang-tapat, nagpapahanga ng moves sa katapat na terrace. Shoot! tinangay ng "fish" ang pa-in na bulate ng isang palaka hanggang sa tuluyan nang nagsanib ang aming mga pwersa. Pagtakas ng liwanag, party sa sand naman, tuloy ang pag-indayog kahit na sa buhanginan ang mga paa ay lumubog.
Pose dito, Selfie doon, walang habas sa pag-click ang dalawang camera na aming dala, battery lang naman ang puhunan kaya ok lang. Hindi pinaligtas ang apat na sulok ng Galera, sinuyod namin ang bawat parte at tinatakan ng mga alaala.
At ngayon nga ay sa Batangas naman ang booking ng mga vakla, sa isa sa mga spa-resort sa Matabungkay naman sila kokokak at ang masaklap ay kasama lang ako sa gayak - tamang emote na lang ako dito sa kabilang panig ng mundo
Matabungkay, there they come!
Hindi na "save the whales" ang tema, ano naman kaya ang isisigaw nila? "save the huwwwaaattt?"

Syempre may two-piece pa rin pero iisa lang ang sinisigurado ko, wala nang bumper, puro windshield na lang..ahahhaha..tseeehh!
Hindi na mawawala ang camera, kaakibat na yan ng pagrampage, dapat laging may captured moments.
Anong uri naman kaya ng kaluluwa ang matitisod ninyo this time mga vakla? Kaluluwa kayang may anino o kaluluwang may apelyido? Kahit ano na siguro ang mahalaga'y delisyoso! wahahahha
Ang bilis ng oras at constant talaga ang change. Kaya naman pala sinagad ko na ang pag-ariba noon dahil darating itong time na imaginary na lang ang aura ko. Hindi na makaka-eksena sa lime-light, magkakasya na lang sa pag-online dahil iba na ang pinili kong daan.
Ang sarap lang balikan ng mga moments - mga larawang hindi kukupas dahil digital na, hindi na kailan ng dark room. Hindi natin alam kung kailan na uli mabubuo ang pag-volt-in ng mga palakang puppet, ngunit kahit ngayong tayo'y magkakahiwalay na, ang mahalaga ay ang habambuhay na pag-flourish ng friendship at love natin para sa isa't-isa.
Kaya para sa mga kaibigan kong palaka, ARIBA FROGLETZZZZZ!

Subscribe to:
Comments (Atom)