"Vkla, hindi ka pa ba sanay?" ang walang pakundangang tanong ng vkla mula sa Dubai. Ang sagot ko naman, "ewan ko nga ba kung bakit dispalinghado ang immune system ko when it comes to bearing pain, laging parang bago kahit to the 10th power na ang mga kabiguang naranasan ko". Nasasaktan ako at naiirita sa mga nakita kong lirato at ang magkadugsong na friendster shout out (hindi ako slow, gets na gets ko yun!). Hindi ito kababawan, sinasabi ng aking instinct (na hindi pa pumapalya kahit kailan) na there's something fishy! Wala akong gustong marinig na paliwanag mula sa mga may kinalaman sa larawang iyon. Back to being manhid na lang uli at buuin na lang ang composure, tablahan kung tablahan. Sabi naman nung isang palaka hindi naman daw ako makakatiis at hanggang salita lang naman ako at sigurado sya na sa oras na makaulayaw ko uli ang aking predator ay kusang aalpas ang mala-diwatang aura at sabay na sasabog ang manamisnamis na halimuyak at biglang huhulagpos ang linamnam ng alindog at hindi magtatagal ako ay mag-gi-give-in din. tsk, Ayaw kong isipin, ayaw kong magpadala, ayaw ko na munang maging tanga!
At para dun sa mga gustong manghiram ng boyfriend ko, FYI, hindi na ako magpapahiram ngayon, for rent na. Mahirap ang buhay ngayon talamak ang recession kaya mainam nang pagkakitaan ang mga ganyang kataksilan!
As of now i belong to the AMPALAYA REPUBLIC, but who cares? bitter na kung bitter, pretty naman!
No comments:
Post a Comment