"Para kang tanga!" tamang lait ako sa sarili ko. Wala akong pwedeng itawag kundi katangahan sa patuloy kong pag-reminisce sa mga alaalang nilamon na ng kahapon.
Gusto ko nang matulog pero ang pasaway kong mga galamay ay sinapian na naman ng walang kapararakang pagpindot sa keypad ng xpressmusic 5310i at nagpatugtog ng mga awiting nakakapagpabalik sa nakaraan. Ewan ko ba, hindi ko maintindihan ang sarili ko, tanggap ko naman na may common sleep problem ako (kape pa!) pero sana naman kusang mag-freeze ang utak ko sa kaka-refresh ng nakaraan - mga lugar at pagkakataon na hindi na pwedeng balikan. "cannot be anymore!" walastik, pati naman grammar ko nag-e-error na din. Affected na rin sa lintek na pananariwa ng mga panis na alaala. Sige na nga, aaminin ko na nakaka-miss naman talaga yung dating eksena, actually abstract ang lahat - ang mga mukha, lugar, kulay at lasa ng mga pangyayari ay naglalabu-labo na sa utak ko, blurred na pati sa karamihan ng sabay-sabay na paglitaw nila sa aking balintataw.
Paksyet! Ano ba talaga ang gusto kong isipin, pati sarili ko pinagsisinungalingan ko pa. Ewan ko ba, "speakless" ang drama ko, ito siguro ang epekto ng 3 jumbojet na mug ng kape maghapon (por que may esspresso maker sa bahay, hanep!) Isa pa, nabuburyong na rin siguro si maria, ikaw na! pitong buwan nang hindi nakaka-aura, huhulagpos na ang kinikimkim na paglaya ngunit walang lugar na aangkop at higit sa lahat walang makakasanib-pwersa, sa madaling salita - loss! Move over froglet! aaahhhh, antok nasaan ka ba? Ngayon kita kailangan!
No comments:
Post a Comment