Wednesday, December 16, 2009

- sAnGanG DaAn- 11.02.08

"Sana matutunan mo uli ang daan pabalik sa akin", ang aking linya nung inakala kong natagpuan ko na ang nakalaan sa akin pero kinailangan nyang lumisan, ang lahat ay pansamantala lamang pala.

Kahit naguguluhan ay nagpatuloy ako sa paghakbang, naglakbay patungo sa bukas. Bawat kantong hinintuan ko ay nagbigay ng pag-asang makakasalubong ko ang pag-ibig na matagal ko nang gustong maangkin. At sa bawat kanto ay mayroon akong natagpuang mga pusong katulad ko rin ay naghahanap, naliligaw. Nakisabay kami sa isa't-isa tutal naman pareho kami ng pakay. Nagpakiramdaman kami kung ang aming mga puso ay pareho ng pintig. Ngunit sa bawat pagtahak namin sa mga eskinitang aming nadaanan, aming napagtanto na hindi pareho ang lugar na gusto naming puntahan, hindi kami nagkasundo, manapa'y hinayaan ang mga sarili naming lumiko sa kung saang lugar kami nais dalhin ng hangin.

Kaya kung may magnanais mang tahakin ang daan pabalik sa akin ay hindi na nila ako matatagpuan katulad ng ipinangako ko sa kanila, sapagkat nagpatuloy ako sa paghakbang. Ayaw kong maghintay kaya pinili kong hanapin ang kaligayang aking pinapangarap. At sa bawat kalsadang aking tinahak, tanging ang direksyong nakapaskil ang nagsilbing patnubay ko sa aking paglalakbay. Wala akong tiyak na pupuntahan kaya naguguluhan ako kung bakit sa aking bawat paghakbang pakiramdam ko'y ako'y naliligaw. Tama naman ang tingin at basa ko sa mga street signs, sinunod ko naman ang mga arrows na nagtuturo sa lugar na dapat kong puntahan. Minsan pa nga, paminsan-minsan tumitigil ako at naghahanap ng mapagtatanungan, ngunit kahit sila ay naguluhan din kung ano at saang lugar ba talaga ang nais kong kahantungan.

Muli, nagsimula akong humakbang, ngayon ay mas sigurado na ako, alam ko at may pakiramdam akong mararating ko rin ang lugar na magbibigay sa akin ng kaligayahang aking hinahanap. Malapit na ako, ramdam ko na ang haplos ng hanging napaka-lambing, kita ko na ang kislap ng mga bituin. Pasasaan ba't matatanawan ko rin sya, nasasabik na akong makulong sa mga bisig nya at muling magpa-angkin sa kanya.

Bago ako malunod sa saya at antisipasyon, natagpuan ko ang aking sarili sa sangang-daan. May apat na direksyon akong pwedeng pamilian kung saan ko nais na magpatuloy. Subalit dumating ako sa punto ng buhay ko na hindi ko na kailangan pang pag-isipan kung saan ko nais magpatungo. Heto na sya sa harapan ko, nagkasalubong muli ang aming mga landas. Muling pinagtagpo ang aming mga puso, nakatingin na kami ngayon sa isa't-isa at hindi na sa iba.

Sa mga lumipas na panahon, magkaiba ang daan na aming tinahak, ngunit sa iisang lugar kami napadpad. Doon sa sangang-daan, ang pag-ibig at kaligayahan ay muli naming natagpuan.




- sWiFt sHiFt - 10.28.08

Flying to R.O.C. is my mother's dream for me and not my own. I almost refused to pursue it for her because at that moment, I thought I already found my happiness and I was ready to trace the line heading to the future. But I can't afford to turn my back on her as well as the rest of my family.

Hence, I took my journey to sky and set afoot to a place where I am destined to trail a new and a very different life track ahead. Here is where past and present resides, here is where I have to be tough to take the right path and not be misled.

"I am now a temptation resistant", it's what I always told myself. "I have already found the other pair of my slipper", was what I always believed. I have always thought that I had brought enough courage not to look back at the "past" and rekindle the flame whenever "past and present" bumped each other at crossroad. I always thought I can handle "past" as easy as I had imagined. Apparently, all were just thoughts, nothing happened as planned.

Some were disappointed, many were delighted. At first, I was in a state of denial. That for a moment I set my foot forward I already changed what was supposed to be my purpose in coming all the way here. But I was not dreaming either, because I was then holding my "wildcard"~~the past that had freed me and the very same past that is now reclaiming me.

The spontaneity of getting back into what's called "past" means signing off to basic searching and chasing my future. I am now standing at the edge of what I always dreamt of, of what I always look forward to. So much so that, I did not want to stop what's happening anymore.

Now, I have found my way into my heart's desire. I could have hurt someone, but I don't have regrets. I may be selfish but I just can't let go of the most important thing I have let go in the past and regretted afterwards. 

Soon, all tears will dry up, all pain will drift off and all wounds will heal. The youthful feeling has now grown up and so were Jack and Jill.

- bReAKinG uP 100 tiMEs - 08.26.08





(Para rin ito kay Mami at kay Bb.Prokopyo~~sila ang kauna-unahang makaka-relate dito) 

"It's not you, it's me" - ang pinaka-fabulosang linya ng break-up. Hahanapin daw muna ang sarili. Saan naman kaya hahanapin? Sa linya kaya ng mga bigo na naghahanap din ng hindi mahanap-hanap na kaligayahan? Hindi na daw kasi masaya, lagi na lang sa pagtatalo at pagmamarakulyo nauuwi ang mga eksena. Hindi lamang maamin na ang dahilan ng lahat ay insecurity. Nagseselos sa mga bagay na hindi naman dapat pagselosan, ayaw lamang  aminin ang katotohan, kaya gagawa na lamang ng kwento at mag-iimbento ng pag-aawayan.

Hindi lamang iisang beses nag-decide na maghihiwalay at hindi pa man nako-confirm sa isa't-isa ay naka-press-release na. Pagkatapos ay magyayayang lumabas kasama ang tropa, mag-iinom at magsasaya, kapag lasing na-mag-iiyak na parang tanga at aamining mahal pa rin nya ang syota nyang shunga at sasabihing hindi pala nya kayang mabuhay mag-isa. Kapag hulas na makikipagkasundo, makikipag-usap uli sa jowa. Sa una ay magsisisihan at mag-aaminan ng kasalan with matching waterworks pa tapos ay magyayakapan at maghahalikan na parang walang nangyari. Kinabukasan, babawiin ang "break-up" na spread-out na. This time around mas magiging malambing at maunawain at extra-sweet sa isa't-isa, kasing tam-is ng asukal at kasing lapot ng arnibal.

Pagkalipas ng ilang linggo, magkakatampuhan na naman, meron na namang hindi mapagkasunduan. Magdedecide uli na mag-break. "We're not really meant to be" naman ang linya. Kung bakit naman kasi pinatagal pa ang pagsasama ay alam naman palang hindi para sa isa't-isa. Pagkatapos ay mangungulimbat na naman ng tropa at magtotoma, sasabihing this time around ay totoo na. Ngunit ang mga kaibigan ay hindi na naniniwala, magtatawanan na lamang at ire-recite ang mga litanya nang nakaraang hiwalayan.

If truth be told, ayaw mo naman talagang makipag-break. Gusto mo lamang ma-experience ang sakit at pangungulila kapag hindi mo na sya kasama at magpapaka-masokista ka lamang talaga. Gusto mo lamang ng re-assurance at validation kung gaano ka nya kamahal at marahil gusto mo lamang maramdaman na kiligin muli. Gusto mo lang sigurong patunayan kung hanggang saan ang ang kaya nyang pagtitiis para sa'yo. Siguro gusto mo ring marinig yung pagsusumamo nya na wag mo syang iwan. Sa totoo lang din naman, ayaw mo talagang lumayo, naghahanap ka lang ng espesyal na atensyon, dahil pakiramdam mo'y ikaw na lamang ng ikaw ang kumikilos para mag-survive ang inyong relasyon. Gusto mo rin siguro ng thrill, sa madaling salita, buryong ka lang. Siguro gusto mo nang mag-asawa pero nakikita mo naman sa kanya na wala pa sa kanyang hinagap ang tungkol sa salitang kasal. Napu-frustrate ka kaya laging break ang hamon mo, pero kapag pinatulan naman nya ang iyong gusto, ikaw naman ang pumapalahaw ng iyak. Kaya naman 100 times kang nabigo at 100 times ka ring nakipagkasundo. Anong napala mo? eh di wala. Hindi bulag ang pag-ibig, ang mga umiibig ang bulag!