Anaknam paksyet! Hindi nakakatuwa ang maging pulutan ka sa inuman ng tropa ha. Ang kantsawan na "hoy, naiiwan ka na ng byahe patungo sa langit ng kaligayahan!". Ang hirit naman nung isang sis, "Sistah, dream mo bang maging virgin-bride, like duh?!" Mahirap talagang magkaroon ng buong-buo na hymen sa sirkulo ng mga batikang romansanista.
Hindi ako frigid, kung yan ang itatanong mo. Minsan umibig na din ako pero sadyang hindi kami itinadhana ng panahon. Ayun, ang aking first boyfriend, ngayon ay may first family na.
Hindi ako pangit, ako daw ang pinaka-maganda sa aming magkakapatid sabi ng tatay ko, obvious naman, unica hija ini!
Hindi rin ako manhid at hindi rin naman lesbian, na-epal din ang puso ko sa opposite sex. Kaya nga pagkatapos kong mabigo sa una ay sumubok uli ako. At take note, naging gaga na rin ako sa larangan na yan ng pagibig. Na-inlove ako sa lalaking hindi ko maintindihan kung umiibig din ba. Ako'y minsan na ring nagpadala sa talanding agos ng makamundong pagpapahayag ng nararamdaman a.k.a stupidity, nevertheless, wala ako kahit kapirasong pagsisisi.
Kung hindi ako frigid, hindi ako pangit at hindi ako manhid, ano ako? Sirit na!?
Alam kong pinagdududahan ako ng aking mga kapatid na putik. Sabi nila hindi pa raw ako nakaka-get-over sa pagibig ko kay "bro", na wala daw akong mukhang hinahanap kundi ang mga kamukha nya, na kaya ako nagkaka-crush sa mga artista at bokalist ng banda ay sa kadahilanang wala akong kakayahang talikuran ang "nakaraan namin ni bro", sya pa rin daw all this time, haay, si "bro" ayun, may dalawang anak na.
Hindi pa huli ang lahat, matagal pa ang last trip para sa akin, sino bang may sabing mashonda na ang bente-singko? Hindi forever ang pagiging cocoon, pasasaan ba't magiging butterfly rin. Hindi naman ako nawawalan ng pagasa, I'm taking my time medyo pihikan lang talaga ang aking taste buds when it comes to love.
Eto nga, si "brad"- balik-bayan, kababayan at tropa ng tropa ko, matangkad, may cute na smile, friendly, mahilig sa music, etchetera etchetera, over-all-impact - fafable (kung si lois ang magde-describe nito, yummyness!) Udyukan system ang drama sulsol ng mga haliparot na diwata, naisip ko rin, why not diba? Date kung date, sundo kung sundo at text kung text, walang pagmamadali. Pero bakit nawindang ako nung makita ko syang may kasamang chick? Affected ang lola mo, jelling ba ako?
Unti-unti na nyang nasasakop ang sistema ko, tinitibag nya ang pader na pinaghirapan kong itayo na magsisilbing proteksyon sa pagkalusaw ng aking puso, "si brad na kaya?" feeling ko rin attracted na ako sa kanya. Well,walang masama kung ibubukas ko ang aking puso sa pagkakataong ito, sayang ang ganda kung walang makikinabang!
***churi sis ha, napagtripan kita, at salamat na rin sa pagiging spy, may na-realize ako :D***
No comments:
Post a Comment