Saturday, February 13, 2010

- "pAbiLi nGa pO nG gLow" - 05.11.09

Ano daw? 

Na-capture pala ng aking Casio Exilim optical 3x 8.1 megapixels na camera ang walang kabuhay-buhay kong mata noong nag-selfie ako. May nag-comment, hindi naman daw mukhang miserable, Mariang maganda pa rin naman daw ang aking aura pero may kulang, wala daw glow.

Hahaha, I laughed without humor, hindi nagsisinungaling ang digital camera. Kahit pa yata kulapulan ko ng sandamakmak na chic choc liquid concealer ang palibot ng aking mata ay mababanaag pa rin ang aking eyebags. Wa-epek din ang shu uemura make-up na ipinantapal ko sa aking mukha. Humarap ako sa salamin at mukhang tanga na kinausap ang sarili "bakit ba ako nagmamaskara eh wala namang masquerade party?" Ilang saglit pa at binura ko na ng garnier make-up remover ang walang kwentang pintura sa aking mukha.

Katulad din lang yan ng pagpe-pretend, kahit anung excuse ang gawin at sabihin mo, lilitaw at lilitaw din ang totoo. Hindi kailangang pagtakpan ang pait at sakit na nararamdaman, isang sigaw lang ng "darna!" kasabay ng malalim na buntong-hininga ang katapat nyan (how I wish I can convince myself, cliche as it is, easier said than done).

Masyadong maraming gumugulo sa isip ko ngayon. Mabigat ang pakiramdam ng sawi, hindi kinaya ng esspresso lalo lang lumala ang insomnia ko. Mayaman ako sa mga taga-payo, alam kong hindi ako talunan dahil hawak-hawak ko pa rin ang aking titulo at ang korona ay nakaputong pa rin sa ulo ko. Ang hassle nga lang dahil pakiramdam ko'y may threat sa aking pagiging "crowned princess".

'Wag daw akong magpadala sa paranoia, ako lang daw ang exagge na nagpapalaki ng issue. (emotera ako eh, at dramarama ang forte ko). Kumokak ang isang palaka at sinabihan akong tama lang daw ang mga nangyayari, maging miserable naman daw ako for once kasi lately ay lagi akong masaya at sa cloud9 ang pasyalan ko kaya ok lang daw na masaktan ako paminsan-minsan para balanced. 

Nakakapanginig ng kalamnan ang iritasyong bumabalot sa aking katawang lupa. Papel at bolpen na naman ang oras-oras kong kaulayaw (kulang pa ang inipon kong pambili ng laptop). Sana naman ay hanggang bukas na lamang ang eksena kong ito, nakakahapo kasi parang laging sasabog ang utak ko. Kaya bukas ay tatapusin ko na, tutal wala na rin namang mangyayari, alam kong pagibig pa rin ang mananaig.

Tinangka ko na ring bumili ng "glow" sa seven-eleven pero ang sagot ng chekwang hindi maintindihan ay "wo pu tzi tao" at "mei-you". Haayyy, maglalakad-lakad muna ako, baka sa banda doon, baka may matisod ako.

No comments:

Post a Comment