Tuesday, February 16, 2010

- eKseNanG tUriSTa anG MgA yAyA - 08.22.09


Sabit kami ng nanay ko sa 2 days, 1 night family outing ng mga amo namin na magkapatid. Kumbaga sa kanta-galing kaming Appari pumunta sa Jolo. Pero hindi naman naging hassle ang transpo, we took the Taiwan High Speed Rail o mas kilala sa tawag na Bullet Train, at pagdating sa aming destination ay ang mga nagkalat na yellow cab naman ang naghatid sa amin from one place to another para sa sight-seeing at food trip. Ang dahilan ng bakasyon: nag-kiss and make-up ang mga boss ko at hindi natuloy ang pagpa-file ng diborsyo.

Ayaw ko talagang sumama dahil ang kapalit ay ang hindi namin pagkikita ni Mamabruh pero walang nagawa ang aking pag-apela, hindi ako pinayagang tumabla, Pero wag ka, sa bandang huli, ako pa rin ang best in dala-dalahan at ang get-up-certified turista: flip-plops, summer jumpsuit, sun visor, evian drinking water at ang fudams bonggang-bonggang seafoods kaya ang pinagtiisan ko ay ang ""chao fan" kaysa naman bigla na lang akong bumulagta sa tabi. Kaya kahit sosyalan ang lobster at crab na naglalakihan, dinaan ko na lang sa pag-inom ng evian para masabi ko man lang na nabusog ako pagkainom ng tubig. Bumawi naman ako sa iced coffee at ice cream idagdag pa ang jumbo-jet na heineken kaya sulit na rin naman.

Masarap sanang i-experience ang lahat ng ito kung kasama ko ang aking kabiyak. Ngunit wala din namang mangyayari sa aking pagsisintir kaya nag-change outfit na lang ako. This time, best in costume naman ang award ko: one-piece swimsuit, swimming cap at goggles sinagad ko ang aking katiting na kaalaman sa paglangoy, na ni hindi matatawag na basic alab-alab lang ay marunong.

Pagkatapos maglunoy, fly na sa night market. Nakipagsiksikan sa iba't-ibang uri ng mortal. Kung nakakakita lang sana ako ng mga ka-tropa ni casper siguradong present din sila sa mga sanga ng oaktree, doon sila'y naglalambitin habang kami ay kumakain ng barbeque lamb at chipie at umiinom ng santsunaitsa. Ayos na sana ang gabi kung hindi lang ako nahirinan nung waffle na style doraemon, tsktsk.

As expected, matatapos ang nakakapagod na araw ay sa Ambassador's hotel room 905 at ang tumambad sa akin ay ang iba't-ibang trip ng mga cast: may isang senior citizen, anu pa nga ba ang gagawin nyan kundi ang tumulog, may isang dalaga nga, manang naman ang asta mas pinili pang magbasa ng libro kesa ang ako'y yayain mag-bar sa rooftop, yung tatlong paslit tig-iisa ng psp, hindi natigil hanggat hindi lobat, in short, wala akong ka-join-forces sa pag-aura kaya itinulog ko na lamang din pagkatapos kong tumangga ng 3 lata ng Heineken.

Kinabukasan, kakalog-kalog kami sa coaster ng Ambassador Hotel-Kaohshiung na naghatid sa amin sa dream mall. Shopping galore, eh naku, Gucci, Chanel, Mango, Prada, LV, Ferragamo, at Jimmy Choo. Saan naman kami kakamot ng pambibili ano? Kaya kaming mag-ina ay umiba na lamang ruta. Ang hinanap namin ay ung mga "yi-pai, yi-pai". Nung mag-assembly na uli kami, sing-dadami rin naman kami ng dala, hindi nga lang sing-mahal, hehehe. Nakakapagod na ay nakakagutom pa, kaya naman pagdating sa train station ay kinarir ang pagkain ng pientang, walang nag-usap, lahat ay naka-concentrate sa pag-nguya.

Ayos din naman nga, katulad ng sinabi ng Ninang ko hindi ko daw mabibili sa sari-sari store ang mga lugar na mapupuntahan ko at ang mga experiences na mararanasan ko 
kapag nagtrabaho ako sa abroad kaya hanggat may oras ay umariba. Ang masasabi ko lang, korek!

No comments:

Post a Comment