Sabi nila expert na daw ako pagdating sa mga ganitong pagtatanghal. Pero bakit tensyonado ako? Oo, dati na itong palabas, pero may mga audience na nag-request ng repeat performance, bitin daw kasi yung first season.
Nai-set ang lahat...
Panibagong entablado, at ngayon ay mas malapad na ang kurtinang nakatabing dito. Kinakabahan talaga ako, sapagkat dito nakasalalay ang lahat. 'pag hindi kami nagtagumpay ngayon ay mapipilitan akong kalimutan ang aking pangarap na best performer award. 'pag hindi nagtagumpay itong ikalawang palabas, isinusumpa kong hindi na ako muling tatapak sa kahit na anong entablado.
Pinatay na lahat ng ilaw, hudyat ng pag-uumpisa ng palabas. Madaming nanonood, standing ovation gaya ng dati. Ngunit dahil sa kaming dalawa ay nakapailalim sa nakakasilaw na spotlight ay hindi ko mapagsino ang mga manonood. Ramdam na ramdam ko ang enerhiyang dala ng aming mga kritiko na naka-abang sa aming bawat paggalaw, naghihintay ng aming magiging sablay. Subalit batid ko ring higit na mas marami ang aming mga fans na nag-aabang sa matagumpay naming palabas. Kaya naisip ko, bakit ko hahayaang magkamali ako? Oo, lahat ng performance ay may flaw, pero bakit ko naman ipapahalatang nagkamali ako kung sakali, kaya nga may tinatawag na ADLIB, diba?
Clap..clap..clap...mas naging magaling kami sa pag-portray ang aming mga characters ngayon. Siguro kasi alam na namin kung saan kami sumablay noon, at yung mga dabes na eksena namin sa nakaraan ay mas napa-bongga namin ngayon.
So far, naging maayos ang daloy ng mga linya, malinaw ang pagsasanib ng aming mga kaluluwa at pagkakaunawaan ng damdamin, effortless! Hindi rin nangibabaw ang conflict mas maigting kasi yung climax. At ang finale~~~pag-ibig na wagas na hindi na kailangan pang praktisin.
Monday, December 21, 2009
Wednesday, December 16, 2009
- sAnGanG DaAn- 11.02.08
"Sana matutunan mo uli ang daan pabalik sa akin", ang aking linya nung inakala kong natagpuan ko na ang nakalaan sa akin pero kinailangan nyang lumisan, ang lahat ay pansamantala lamang pala.
Kahit naguguluhan ay nagpatuloy ako sa paghakbang, naglakbay patungo sa bukas. Bawat kantong hinintuan ko ay nagbigay ng pag-asang makakasalubong ko ang pag-ibig na matagal ko nang gustong maangkin. At sa bawat kanto ay mayroon akong natagpuang mga pusong katulad ko rin ay naghahanap, naliligaw. Nakisabay kami sa isa't-isa tutal naman pareho kami ng pakay. Nagpakiramdaman kami kung ang aming mga puso ay pareho ng pintig. Ngunit sa bawat pagtahak namin sa mga eskinitang aming nadaanan, aming napagtanto na hindi pareho ang lugar na gusto naming puntahan, hindi kami nagkasundo, manapa'y hinayaan ang mga sarili naming lumiko sa kung saang lugar kami nais dalhin ng hangin.
Kaya kung may magnanais mang tahakin ang daan pabalik sa akin ay hindi na nila ako matatagpuan katulad ng ipinangako ko sa kanila, sapagkat nagpatuloy ako sa paghakbang. Ayaw kong maghintay kaya pinili kong hanapin ang kaligayang aking pinapangarap. At sa bawat kalsadang aking tinahak, tanging ang direksyong nakapaskil ang nagsilbing patnubay ko sa aking paglalakbay. Wala akong tiyak na pupuntahan kaya naguguluhan ako kung bakit sa aking bawat paghakbang pakiramdam ko'y ako'y naliligaw. Tama naman ang tingin at basa ko sa mga street signs, sinunod ko naman ang mga arrows na nagtuturo sa lugar na dapat kong puntahan. Minsan pa nga, paminsan-minsan tumitigil ako at naghahanap ng mapagtatanungan, ngunit kahit sila ay naguluhan din kung ano at saang lugar ba talaga ang nais kong kahantungan.
Muli, nagsimula akong humakbang, ngayon ay mas sigurado na ako, alam ko at may pakiramdam akong mararating ko rin ang lugar na magbibigay sa akin ng kaligayahang aking hinahanap. Malapit na ako, ramdam ko na ang haplos ng hanging napaka-lambing, kita ko na ang kislap ng mga bituin. Pasasaan ba't matatanawan ko rin sya, nasasabik na akong makulong sa mga bisig nya at muling magpa-angkin sa kanya.
Bago ako malunod sa saya at antisipasyon, natagpuan ko ang aking sarili sa sangang-daan. May apat na direksyon akong pwedeng pamilian kung saan ko nais na magpatuloy. Subalit dumating ako sa punto ng buhay ko na hindi ko na kailangan pang pag-isipan kung saan ko nais magpatungo. Heto na sya sa harapan ko, nagkasalubong muli ang aming mga landas. Muling pinagtagpo ang aming mga puso, nakatingin na kami ngayon sa isa't-isa at hindi na sa iba.
Sa mga lumipas na panahon, magkaiba ang daan na aming tinahak, ngunit sa iisang lugar kami napadpad. Doon sa sangang-daan, ang pag-ibig at kaligayahan ay muli naming natagpuan.

- sWiFt sHiFt - 10.28.08
Flying to R.O.C. is my mother's dream for me and not my own. I almost refused to pursue it for her because at that moment, I thought I already found my happiness and I was ready to trace the line heading to the future. But I can't afford to turn my back on her as well as the rest of my family.
Hence, I took my journey to sky and set afoot to a place where I am destined to trail a new and a very different life track ahead. Here is where past and present resides, here is where I have to be tough to take the right path and not be misled.
"I am now a temptation resistant", it's what I always told myself. "I have already found the other pair of my slipper", was what I always believed. I have always thought that I had brought enough courage not to look back at the "past" and rekindle the flame whenever "past and present" bumped each other at crossroad. I always thought I can handle "past" as easy as I had imagined. Apparently, all were just thoughts, nothing happened as planned.
Some were disappointed, many were delighted. At first, I was in a state of denial. That for a moment I set my foot forward I already changed what was supposed to be my purpose in coming all the way here. But I was not dreaming either, because I was then holding my "wildcard"~~the past that had freed me and the very same past that is now reclaiming me.
The spontaneity of getting back into what's called "past" means signing off to basic searching and chasing my future. I am now standing at the edge of what I always dreamt of, of what I always look forward to. So much so that, I did not want to stop what's happening anymore.
Now, I have found my way into my heart's desire. I could have hurt someone, but I don't have regrets. I may be selfish but I just can't let go of the most important thing I have let go in the past and regretted afterwards.

Soon, all tears will dry up, all pain will drift off and all wounds will heal. The youthful feeling has now grown up and so were Jack and Jill.
- bReAKinG uP 100 tiMEs - 08.26.08
(Para rin ito kay Mami at kay Bb.Prokopyo~~sila ang kauna-unahang makaka-relate dito)
"It's not you, it's me" - ang pinaka-fabulosang linya ng break-up. Hahanapin daw muna ang sarili. Saan naman kaya hahanapin? Sa linya kaya ng mga bigo na naghahanap din ng hindi mahanap-hanap na kaligayahan? Hindi na daw kasi masaya, lagi na lang sa pagtatalo at pagmamarakulyo nauuwi ang mga eksena. Hindi lamang maamin na ang dahilan ng lahat ay insecurity. Nagseselos sa mga bagay na hindi naman dapat pagselosan, ayaw lamang aminin ang katotohan, kaya gagawa na lamang ng kwento at mag-iimbento ng pag-aawayan.
Hindi lamang iisang beses nag-decide na maghihiwalay at hindi pa man nako-confirm sa isa't-isa ay naka-press-release na. Pagkatapos ay magyayayang lumabas kasama ang tropa, mag-iinom at magsasaya, kapag lasing na-mag-iiyak na parang tanga at aamining mahal pa rin nya ang syota nyang shunga at sasabihing hindi pala nya kayang mabuhay mag-isa. Kapag hulas na makikipagkasundo, makikipag-usap uli sa jowa. Sa una ay magsisisihan at mag-aaminan ng kasalan with matching waterworks pa tapos ay magyayakapan at maghahalikan na parang walang nangyari. Kinabukasan, babawiin ang "break-up" na spread-out na. This time around mas magiging malambing at maunawain at extra-sweet sa isa't-isa, kasing tam-is ng asukal at kasing lapot ng arnibal.
Pagkalipas ng ilang linggo, magkakatampuhan na naman, meron na namang hindi mapagkasunduan. Magdedecide uli na mag-break. "We're not really meant to be" naman ang linya. Kung bakit naman kasi pinatagal pa ang pagsasama ay alam naman palang hindi para sa isa't-isa. Pagkatapos ay mangungulimbat na naman ng tropa at magtotoma, sasabihing this time around ay totoo na. Ngunit ang mga kaibigan ay hindi na naniniwala, magtatawanan na lamang at ire-recite ang mga litanya nang nakaraang hiwalayan.
If truth be told, ayaw mo naman talagang makipag-break. Gusto mo lamang ma-experience ang sakit at pangungulila kapag hindi mo na sya kasama at magpapaka-masokista ka lamang talaga. Gusto mo lamang ng re-assurance at validation kung gaano ka nya kamahal at marahil gusto mo lamang maramdaman na kiligin muli. Gusto mo lang sigurong patunayan kung hanggang saan ang ang kaya nyang pagtitiis para sa'yo. Siguro gusto mo ring marinig yung pagsusumamo nya na wag mo syang iwan. Sa totoo lang din naman, ayaw mo talagang lumayo, naghahanap ka lang ng espesyal na atensyon, dahil pakiramdam mo'y ikaw na lamang ng ikaw ang kumikilos para mag-survive ang inyong relasyon. Gusto mo rin siguro ng thrill, sa madaling salita, buryong ka lang. Siguro gusto mo nang mag-asawa pero nakikita mo naman sa kanya na wala pa sa kanyang hinagap ang tungkol sa salitang kasal. Napu-frustrate ka kaya laging break ang hamon mo, pero kapag pinatulan naman nya ang iyong gusto, ikaw naman ang pumapalahaw ng iyak. Kaya naman 100 times kang nabigo at 100 times ka ring nakipagkasundo. Anong napala mo? eh di wala. Hindi bulag ang pag-ibig, ang mga umiibig ang bulag!
Wednesday, December 9, 2009
- tHe wEdDinG - 08.26.08
Nakaupo ako sa couch na malapit sa may fountain. May dalawang manikurista sa tigkabila ng aking inuupuan, isa'y nagmamanicure sa akin at ang isa nama'y nagpu-footspa. Katatapos lang i-rebond ng mahaba kong buhok kahapon kasabay na rin ng facial scrub at massage~~courtesy ni Mareng Allan at ng kanyang salon beauty experts.
Maingay ang paligid, punong-puno ng bisita at kamag-anak ang flower garden at clubhouse na pag-aari ng aking luvguru na si Dawn. Wala nang bakanteng Villa at Cabana Rooms sa estate na yaon dahil okupado na nang lahat na makikigulo sa okasyon. Eksklusibo ito at walang ibang lalahok kundi ang mga taong may koneksyon sa seremonya, pati ang pari ay hindi na iba, sino pa ba kundi ang pinsan kong si Dan.
Perfect. Ang lahat ay umaayon sa gusto ko. Full-cast ang iba't-ibang grupo ng barkadang aking kinabibilangan. Makulay at mabango ang mga fresh flowers na ini-arrange ng aking Kumareng Rommel. Bonggang-bongga din ang susuotin ng buong entourage na likha ng Nyedsun Gowns and Barongs. Ang orchestra at si Nani ay walang-tigil sa pag-e-ensayo ng kanilang mga piyesa. Ang mga Flower Girls at Symbol Bearers ay walang-pagod na nagtatampisaw sa swimming pool ng villa. Ang mga sponsors naman ay may sariling assembly sa Pavillon at nagpapayabangan sa kani-kanilang dalang regalo. Natanawan ko na rin ang magsisilbing Toast Master ng seremonya na walang iba kundi si Sunshine, bitbit ang kanyang buong pamilya. Si Sunset naman daw ay susunod na. Ayos na ang lahat, iisa na lamang ang hindi ko pa nasisilayan, nasaan na kaya S'YA?, Letse kasing pamahiin yan, hindi daw kami pwedeng magkita hanggang hindi pa nag-uumpisa ang pasinaya.
Alas-singko y bente ang umpisa ng seremonya, naka-pustura na ang lahat at handa na sa kani-kanilang eksena. Hindi lamang lilimang beses may kumatok sa aking Bridal Suite~~mga well-wishers na sanggang-dikit, tinatanong ako kung sigurado na daw ba ako sa aking ginagawa, ang sagot ko naman "hindi pa ba sapat na kasagutan ang suot kong saya?" May tumawag na muli at sinabing nandun na daw S'YA, napangiti ako sa wakas. Muli, saglit na silip sa salamin, pinagmasdan ko ang aking imahe, muntik ko nang hindi makilala ang aking sarili. Maganda nga naman pala ako, may kaunting kurba na ang katawan ko at hindi na mukhang piggybank tulad ng dati~~salamat sa Zhen de Shou. Hindi rin pangkaraniwan ang suot kong wedding gown na creation ng sikat na Macky's Couture, monochromatic green ang kulay na shining-shimmering-splendid ang top at syempre ang pabolosang korona na pinagkakabitan ng limang metrong trail na hila-hila ko. Pagkalipas ng ilang saglit pa ay bumaba na ako at inihanda ang pinakamatamis na ngiti sa bawat click ng professional camera ni Java.
Dahil garden wedding, ang lahat ay aking nakikita. Ang mga bisitang prenteng naka-upo sa monoblocks chair na nakahanay sa tig-kabilang side ng malawak na lawn, ang pari sa dulo ng red carpet at ang pagpaseyo ng buong entourage patungo sa make-shift na altar. Pilit ko syang sinisilip pero natatakpan sya ng flower stand. Isang saglit pa'y ikinabit na sa akin ni Sir Noel ang lapel mic~~tulad ng lagi kong sinasabi, kakanta ako sa kasal ko.
Unti-unting nagsimulang lumabo ang paningin ko, blurred na ang paligid sanhi ng luha na namumuo sa aking mata, buti na lang water-proof ang aking mascara, but still sayang pa rin ang make-up ko kung hahayaan ko lang patakan ng luha diba? Kaya naman pinilit kong i-compose ang aking sarili at marahang tumikhim, tinipa na ni Sir Carlo ang unang nota sa piano, lalakad na ako.
Habang lumalakad sa isle ay kinakanta ko ang napili kong wedding song~~"If I Believe" ni Patty Austin. Sa preparations pa lang ay marami nang kumondena sa akin, hindi naman daw pang-kasal ang awiting ito, ngunit hindi nila alam ang tunay na dahilan kung bakit ang kantang ito ang napili ko. Marahil ay walang ibang makakaalam, ang awiting ito ay nag-uugat sa aking nakalipas.
Gumaralgal na ang aking boses sanhi ng pinaghalong kaba at saya. Muli pa'y sinulyapan ko s'ya, isang bulto na matipunong naghihintay sa akin sa may bungad ng altar. Ngunit kahit anong titig ko ay wala akong maaninag, tila wala syang mukha, pati pangalan nya ay hindi ko na rin maalala, ni hindi ko s'ya makilala. Bigla akong napa-tanong sa sarili ko, "sigurado ka bang sya na nga ang nais mong pag-alayan ng buong buhay mo?"
Sa gitna ng lahat ako'y napatda, naguluhan akong bigla. Nakakalito, biglang-bigla hindi na ako sigurado kung sya na nga ba yung gusto kong maghintay sa akin sa altar, kung sya na nga ba ang gusto kong pag-alayan ng aking pinakamamahal na kalayaan. May kung anong bumulong sa aking isip, "baka naman hindi pa talaga sya yan, pinipilit mo lang?" Ayan na naman ang pamilyar na tinig at pamilyar na tanong. Para akong binuhusan ng tubig na may yelo, tuluyan nang pumatak ang aking mga luha at kapagdaka'y tumalikod na ako at papalayong tumakbo.
Hindi ko na namalayan ang sumunod na tagpo. Hungkag ang aking pakiramdam. Hindi ako nasasaktan, pero hindi din ako masaya. Wala akong maramdaman at wala din akong nais masilayan. Gusto kong mapag-isa. Sa kabila ng lahat, ako'y magpapatuloy, magsisimula ng panibago. Hindi ko alam kung saan at paano ako muling magsisimula, basta't ang alam ko at sigurado ako, ANG PANGARAP KONG KASAL, HANGGANG NGAYON AY PANGARAP PA RIN.
- sA iLoG nA 'di NaGLiLiHiM - 08.26.08
Pinilit kong lumangoy kahit hindi ako marunong. Nasa kabilang-dako ng ilog ang dahilan kung bakit ako'y nagpupumilit makatawid, ang dahilan kung bakit ako'y nagtatampisaw, at s'ya ring dahilan kung bakit ako'y nakangiti. Ilang beses akong sumubok, lumubog-lumitaw ang ulo at katawan ko sa nagkukulay-kapeng tubig. Kasabay ng pagkaanod ko sa napaka-bilis na lagaslas ng tubig ang mistulang pagtakas ng aking hininga. Napuno na ng tubig-tabang ang sistema ko, pero hindi ako sumuko. Gusto kong makatawid at makadaupang-palad man lamang ang dahilan ng aking kahibangan, sapagkat kung hindi ngayon, ay kailan pa?
Hindi naman talaga ako marunong lumangoy, kaya sa tuwing susubok ako palagi na lamang parang may humihigit sa akin pailalim at lagi akong lumulubog. Nagawa ko pang mag-isip sa kabila ng lahat, hindi ko s'ya isusuko pero hindi ko rin hahayaang ipakipagsapalaran ang natitira ko pang hininga. May pag-asa pa akong makasama s'ya, sa isip-isip ko. Pero kung itutuloy ko ang paglangoy, anumang oras malulunod ako, kaya minabuti kong umahon na lamang at maghanap ng ibang daan. Kesehodang maglakad ako pabalik kung saan naroon ang kahoy na tulay, kahit na ang baybay-ilog na daraanan ko ay madulas ang mga bato, kahit na masukal ang mga damo. Hindi ko ininda ang mga galos na gumuhit sa binti ko sanhi ng mga damong-ligaw, damong matatalas, kasing talas ng mga dila ng mga usiserang walang magawa kundi ang usisain ang aking pag-galaw.
Sa wakas, ilang saglit pa'y nakarating ako sa kabilang pampang ng ilog. Akmang lalapit na ako upang kausapin siya nang bigla siyang tumayo mula sa batong inuupuan niya upang salubungin ang babaeng dumating. Napako ako sa aking kinatatayuan, naisip kong sana pala ay nagpakalunod na lamang ako. Sapagkat sa kasalukuyan ay daig ko pa ang nilamon ng ilog. Unti-unti akong nauupos sa aking kinatatayuan, nawala na ng tuluyan ang aking lakas at ang aking ngiti ay biglang napalitan ng pighati. Totoo pala na nag-iiba ang kulay ng mundo kapag nasasaktan ang puso mo, dahil nang mga oras na 'yun lahat ay naging kulay abo sa paningin ko.
Tiningnan ko silang muli. Nangungusap ang kanilang mga mata, may ngiti sa mga labi, pagkatapos ay pinaglapat ito sa isang malalim at masiphayong halik na unti-unting kumikitil sa aking puso. Nanatili akong nakatayo, ano pa bang pruweba ang kailangan ko para limutin sya? Hayan na sya sa harapan ko, nakaharap sya sa mahal nya.
- tOo aRrOGanT tO aSk - 08.22.08
Until I discovered the world began again.
I saw myself lying,
I am still awake while the dawn is breaking.
I turn to face the one beside me, the one to whom I shared the successful blend of our lives, of our loving and our crimes.
I am not sure where this will take us, he didn't bother to tell me and i was reluctant to ask.
He is contented without plans, without commitment and without responsibility. While i am hopelessly waiting and wanting for his freedom to expire.
I wanted to know what he truly feels, but then, something is holding me back.
I am not timid, I just dare not ask.
- fALse aLarM - 08.20.08
Pagkatapos ng halos walong-taon na makabuluhang relasyon....
Heto ako, naglalakbay, nagso-solo.
Sabi nila may Masteral's Degree na daw ako pagdating sa larangan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon. Oo nga naman, marami-rami na rin akong naging karanasan pero hindi lahat kaiga-igaya. Magaling lang akong magdala kaya walang nakakahalatang nawiwindang. Best in iwas din ako, hindi pa man ako iniiwan ng taong mahal ko ay naka-move-on-mode na ako upang hindi na dumating pa s paalaman. Where is the good in goodbye, anyway? Minsan hindi rin maganda ang resulta, baka ito rin ang maging dahilan ng tuluyang paglipas ng panahon sa harapan ko at makaligtaan na ako ng tadhana.
Hindi ko pa lang daw natitisod ang para sa akin, ibig sabihin yung mga natisod ko ay hindi talaga sila ang nakalaan, dumaan lang sila upang maging aral at alaala, kumbaga ipinipilit ko lamang.
Saan bang lupalop nagtatago ang tamang pag-ibig para sa akin, saan ko sya hahagilapin? Akala ko nakita ko na sya, yun pala hindi pa...

Subscribe to:
Comments (Atom)