Parang mamamatay ako.
Mahaba ang pila....
Hawak-hawak mo ang aking pawisang kamay, "wag kang kabahan, aabutin natin ang kalangitan", bulong mo.
Lahat tayo ay naghihintay sa ating mga pagkakataon. Pareho tayong nagmamasid. Sa mga matang mapanuri, naka-abang sa bawat pagbukas at pagsara ng bakal na gate sa tuwing may papasok at lalabas dito. Sa bawat pagbuka ng labi na nagbulong ng mga salitang makakapagpalakas ng loob sa kasama - assurance na kaya nilang sumakay, kakayanin, dapat. Sa bawat pagtaas-baba ng dibdib at malalim na buntong-hininga. Sa mga tengang alerto sa ingay ng mga nagkukuskusang mga bakal na gulong ng sasakyang pangahas.
Nakakabilib ang ating mga kasabay, labis-labis ang kanilang pag-asam na sana makasakay na agad sila. Sila na puspos ng kagalakang nagpahanga sa sunod-sunod na pitik ng camera flash na maglalathala ng kanilang unforgettable moment.
Ang mga nauna ay may nasabi na. May napaluha, may maputla pa, mayroong hindi pa makahuma, ni hindi makausap. Sabi nong isa kahit ilang beses pa uulit-ulitin nya, sumagot yung katabi nya, sasamahan pa rin sya sa uulitin.
"Welcome to the new, most extreme ride in wonderland...." nagitla ako, tayo na pala.
Pakiramdam ko'y unti-unting nawawalan ng lakas ang aking mga tuhod, parang ice cream na natutunaw. Ambisyosa ang aking mga nagtataasang balahibong kaka-wax lamang.
Hindi pa man ay natulo na ang aking luha. "No, thanks i'm out of here", buti nga nakapagsalita pa ako.
Hindi ko kaya. Mamamatay ako. Wag muna.

No comments:
Post a Comment